^

PSN Showbiz

Kinumpirma ng palasyo, Pangulong Marcos sinagot ang hospital bills ni Nora Aunor!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kinumpirma ng palasyo, Pangulong Marcos sinagot ang hospital bills ni Nora Aunor!
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinumpirma ng Malacañang na sinagot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagastos sa ospital ng yumaong National Artist na si Nora Aunor.

Sa isang text message sa mga mamamahayag, nilinaw ni Communications Senior Undersecretary Ana Puod na hindi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang umako sa mga gastos.

“As per GM Mel (General Manager Mel Robles), ‘di PCSO ang nag-shoulder kundi si Presidente/OP,” ani Puod.

Maging ang iba pang utang at nagastos ay sinagot na din aniya ni Marcos mula sa kanyang personal na pera.

“‘Di lang ‘yung hospital bill ‘yan pati ibang utang at ibang expenses daw galing sa personal na pera ni PBBM ‘yan,” dagdag ni Puod.

Pero hindi binunyag ng Palasyo ang eksaktong halaga na itinulong ng Pangulo sa pamilya ni Aunor.

Ginawa ng Malacañang ang paglilinaw sa gitna ng mga ispekulasyon na ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng PCSO ang may pananagutan sa mga bayarin sa ospital ni Aunor.

Si Nora Aunor, na kilala bilang “Superstar” ng Philippine cinema, ay namatay noong Abril 16 sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure kasunod ng medical procedure.

Siya ay idineklara bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Sining ng Broadcast noong 2022 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

Bilang Pambansang Alagad ng Sining, si Aunor ay may karapatan sa ilang benepisyo, kabilang ang isang beses na cash award na ?200,000, buwanang pensiyon na ?30,000, mga benepisyong medikal at ospital na hindi lalampas sa ?750,000 bawat taon, at life insurance coverage para sa mga awardee na insurable pa rin.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with