^

Dr. Love

Pari ang nakarelasyon

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal nang nangyayari ito pero hanggang ngayo’y may sumbat ang aking budhi sa naging pakikipagrelasyon ko sa isang pari.

May asawa na ako ngayon at hindi ko inilihim ang madilim kong nakaraan. Parish priest siya sa aming lugar, hindi ko na lang ibubunyag kung saan.

Twenty years old lang ako noon at namu-mroblema sa boyfriend ko kaya kay father ako nagpapa-counsel.

Nahulog ang damdamin namin sa isa’t isa at nakalimot. Minsan lang nangyari pero pareho naming pinagsisihan.

Huwag na lang daw kaming magkita muli. Pinagsisihan ko na ang malaki kong kasalanan pero bakit nanunumbat pa ang konsensya ko?

Ano ang gagawin ko?

Lolit

 

Dear Lolit,

Lahat ng tao ay nagkakasala. Hindi exempted diyan ang mga pari.

Ang magandang nangyari ay pareho ka-yong nagsisi. Kung humingi ka na ng tawad sa Diyos, pinatawad ka na Niya kaya huwag mo nang pasanin ang kasalanang pinatawad na niya.

Move on.

Dr. Love

DEAR DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with