^

Dr. Love

June Bride

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kung meron man akong pinakapangarap sa pag-aasawa kundi ang maging June bride. Dahil may paniniwala na naghahatid ng swerte sa mag-asawa ang pagpapakasal sa buwan na ito.

Kaya naman nang maging magkarelasyon kami ni Celso, ang tungkol sa pangarap kong maging June bride ang lagi kong ipinapaalala  sa kanya. Lalo na nang mamanhikan na sila ng kanyang mga magulang.

Pero ang masaklap, hindi naniniwala si Celso sa hatid ng pagiging June bride. Luho lang daw ang tungkol dito, dahil mahal ang kontrata ng pagpapakasal ng June, gayundin ang pagpapagawa ng wedding gown maging ang reservation sa mga restaurant.

Nagpumilit po ako na mapagbigyan niya. Pero nauwi sa pagkainis niya ang paghahanap namin ng simbahan na mapagkakasalan. Fully booked na lahat ng napuntahan namin at ang tanging bukas ay para sa buwan ng Oktubre.

Dala ng pagkaunsiyami ay itinanan ako ni Celso at nananatiling pangarap na lang ang pagi­ging June bride ko. Dahil nauwi sa civil ang kasal namin. Hindi na ko nakaalma, malaki na kasi ang tiyan ko at kung maghihintay pa ako ng June ay aabutin na ako ng aking panganganak.

Ang nangyari, June ko ipinanganak ang a­ming panganay na lalaki. Tuwang-tuwa si Celso at mahal na mahal niya kami. Sa sitwasyon ko ngayon, na-realize ko na wala sa pagiging June bride ang masayang buhay-may asawa. Nalaman ko rin na June bride ang nanay ng mister ko pero broken family sila.

Ang problema ko po ay nagagalit ang pamilya ko dahil sumira ako sa panata ng buhay ko, mamalasin daw po ako? Pagpayuhan po ninyo ako tungkol dito. Maraming salamat po.

Gumagalang,

Marinela

Dear Marinela,

Sinabi mo na masaya kayong mag-asawa at mahal na mahal kayong mag-ina ni mister mo. Obviously, kasalungat ng paniniwalang mamalasin o hindi suswertehin kapag hindi June bride. Tungkol naman sa komento ng pamilya mo, maaaring nagiging emosyonal pa rin sila dahil minadali ninyo ang lahat nang magtanan kayo.

Kaya ipanatag mo ang kalooban mo at sikapin na maging mabuting ina, mabuting asawa at mabuti pa ring anak sa iyong mga magulang sa kabila ng lahat.

DR. LOVE 

 

AKO

BRIDE

CELSO

DAHIL

DEAR MARINELA

DR. LOVE

KAYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with