^

Dr. Love

Puso o pusa?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi Sir. Bumabati ako sa iyo ng pinagpalang araw.

Tawagin mo na lang akong Lorie, 25-anyos at mayroon akong live-in partner. Tawagin mo na lang siyang Marty.

Mahilig akong mag-alaga at mag-breed ng pusa. Mayroon akong Siamese, Persian at local­ na mga pusa sa aking bahay.

Ewan ko ba kung bakit nakahiligan ko ang pag-aalaga ng mga ito. Para kasing gumagaan ang pakiramdam ko kapag kinakalong ko at hinihimas ang mga pusa.

Noong dalawa lang ang alaga ko ay wala akong problema. Nagkaproblema lang nang sinabihan ako ni Marty na ipamigay kong lahat­ ang mga ito. Hindi raw mabuti ito sa aming kalusugan.

Nang ayaw ko, nagbanta siyang hihiwa­layan niya ako. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko dahil mahal ko rin ang aking mga alagang pusa. Sino ang pipiliin ko, pusa o ang boyfriend ko?

Lorie

Dear Lorie,

I have never been in favor of live-in. Ang pagsasama ng lalaki at babae ay dapat ipinag­buklod ng kasal.

Kaya may pusa o wala, hiwalayan mo siya kung hindi ninyo kayang magpakasal.

Iyan lamang Lorie at hindi ko na pakakahabaan ang advice ko sa iyo. Nasa sa iyo na lang kung susunod ka sa payo o hindi.

Dr. Love

DEAR LORIE

DR. LOVE

EWAN

HI SIR. BUMABATI

IYAN

KAYA

MARTY

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with