^

Dr. Love

Nagtanan ang anak

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Sana sumaiyo ang sulat ko na nasa iyo ang pagpapala ng Diyos. Ako po si Elvie, 39 anyos at sa gulang na ito’y may anak na akong dalaga na 14-anyos.

Nagtataka ako Dr. Love dahil mabuting bata ang anak ko at maganda ang record sa school. Nasa fourth year high school na siya.

Nabalitaan kong may boyfriend siya kaya pinagsabihan ko siya na masyado pa siyang bata para makipagrelasyon.

Nagtampo siya sa akin at ngayo’y isang linggo na siyang nawawala at nabalitaan kong nakipagtanan siya sa boyfriend niya.

Anak mayaman ang boyfriend niya pero natatakot ako na masira ang kinabukasan ng anak ko dahil hindi siya nakapagtapos.

Ano ang gagawin ko?

Elvie

 

Dear Elvie,

Kung nagtanan, dapat pag-usapan iyan sa harap ng mga magulang ng lalaki para planuhin kung ano ang tama at nararapat gawin.

Ang isang option ay ituloy ang pag-aaral nila at huwag munang magsama. Kung may mabuo sa sinapupunan ng anak mo, hayaan siyang makapanganak at desisyunan ninyo kung kaninong poder muna mananatili ang bata.

Kapag pareho na silang nakapagtapos, dun na lang pag-uusapan ang kasal.

Nangyari na iyan at kahit ayaw mo, hindi na maibabalik ang dati.

Dr. Love

ANAK

ANO

DEAR ELVIE

DIYOS

DR. LOVE

ELVIE

KAPAG

NABALITAAN

NAGTAMPO

NAGTATAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with