Tumatamlay na relasyon
Dear Dr. Love,
Ako at ang aking girlfriend ay matagal nang magkasama. Sa simula, ang aming relasyon ay puno ng saya, tawanan, at walang humpay na pag-unawa sa isa’t isa. Pero nitong huli, tila may nagbago. Ang dating bukas naming komunikasyon ay unti-unting nauwi sa katahimikan. Ang maliliit na tampuhan ay lumalaki, at ang simpleng hindi pagkakaunawaan ay nagiging malalalim na sugat.
Mahal ko siya, Dr. Love. Ano ang dapat kong gawin?
Cielo
Dear Cleo,
Ang susi sa pagbabalik ng dating sigla sa isang relasyon ay komunikasyon. Subukan mong gumawa ng paraan para buksan muli ang linya ng pag-uusap. Maaari mong simulan sa simpleng tanong: “Kamusta ka talaga?” o “Ano ang bumabagabag sa’yo nitong mga nakaraang araw?”
Mahalaga ring suriin kung ano ang naging sanhi ng pagbabago. Higit sa lahat, alalahanin kung bakit kayo nagmamahalan.
Ang mahalaga ay ang paggalang at pagmamahal, kahit anong maging desisyon sa dulo.
DR. LOVE
- Latest




















