^

Dr. Love

Nang dahil sa facebook

-

Dear Dr. Love,

Gusto ko sana i-share ang love story namin ng girlfriend ko. Nagkakilala kami ni Lea sa facebook, in-add ko lahat ng mga kaapelyido at doon kami nagsimulang maging malapit sa isa’t isa. Hindi naman kami magkamag-anak at nang mga panahon na aktibo kami sa facebook pareho kaming committed sa iba. Watch full video

We share a lot of story sa aming buhay pag-ibig. Naging outlet at the same time nakita na­min ang comfort sa bawat isa in times of difficulties. Hanggang sa na-in love na kami sa isa’t isa. Ngayon ay 10 months na ang aming long distance affair.

Ang problema lang, natatakot siya na malaman ng pamilya niya ang relasyon namin at paghiwalayin kami. Ano po ang dapat naming gawin? Pwede ba magpakasal ang pareho ng family name?

Salamat po, more power!

Mateo

 

Dear Mateo,

Maraming magkakapareho ng apelyido pero hindi naman magkamag-anak. Walang hadlang basta hindi kayo closely related sa dugo. Ang importante lang ay ‘yung nag-iibigan kayo nang tunay at walang ibang commitment sa inyong mga personal na buhay.

Pero pakatiyakin ninyo rin ang inyong sarili dahil sa facebook lang kayo nagkatagpo at baka hindi pa ninyo lubos na nakikilala ang bawat isa. Try to exert more efforts in knowing each other at baka magkamag-anak nga kayo.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR MATEO

DR. LOVE

HANGGANG

ISA

KAMI

MARAMING

MATEO

NAGKAKILALA

NGAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with