^

Dr. Love

Lover na Afam,  ayaw ng kasal

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon na akong biyuda mula nang pumanaw ang aking mister. Ngayong 55 taong gulang na ako, pakiramdam ko ay handa na akong muling magmahal.

Kamakailan ay nakilala ko ang isang 62-anyos na Afam sa isang reunion naming magkakaibigan noong high school sa isang bar sa Makati. Kasama niya noon ang kanyang mga kaibigan at doon kami nagkakilala at nagkapalagayan ng loob. Tulad ko, naghahanap din siya ng bagong makakasama sa buhay matapos siyang makipag-divorce sa kanyang dating asawa.

Dahil nag-iisa na rin ako at may sarili nang pamilya ang aking mga anak, hindi na ako nagdalawang-isip na sumama at tumira sa kanyang condominium.

Gayunman, may isang bagay na bumabagabag sa akin. Ayon sa kanya, labis siyang nasaktan sa kanyang nakaraang relasyon kaya wala na siyang balak na muling magpakasal. Ang maibibigay lamang daw niya sa akin ay ang kanyang pagmamahal at pagsasama.

Nalilito tuloy ako ngayon. Pangarap ko pa rin kasing muling maikasal balang araw. Tama bang ipagpatuloy ko ang aming pagsasama kahit alam kong magkaiba kami ng nais para sa aming hinaharap?

Meme Vyi

Dear Meme Vyi,

Nauunawaan ko ang iyong sitwasyon. Matapos ang ilang taong pag-iisa, natural lang na maghangad ka ng pagmamahal, companionship, at masayang pagsasama.

Gayunman, tila nagkaiba kayo ng pananaw pagdating sa kasal. Mahalagang magkaroon kayo ng tapat at seryosong pag-uusap tungkol dito. Tandaan mo, hindi sapat ang pagmamahalan lamang kung magkaiba ang inyong mga pangarap at inaasahan sa buhay. Huwag mong isuko ang isang bagay na mahalaga sa iyo. Kung hindi niya kayang ibigay ang hinahangad mo, huwag mong isiping huli na ang lahat. 

Dr. Love

 

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with