Laging nag-aaway dahil sa gawaing bahay
Dear Dr. Love,
Magandang araw po. Ako po ay sumulat para humingi ng payo tungkol sa problema naming magkakapatid.
Ang nagyayari po kasi ay madalas ka-
ming nag-aaway dahil sa mga gawaing bahay. Marahil dahil na rin sa magkkaiba ang ugali at magkakaiba ang pananaw sa situwasyon kung kaya nagiging mahirap sa bawat sa ang umunwa at makaintindin.
Lagi na lang po kasing nagkakaroon ng sisihan kapag may hindi nagagawa at kung minsan naman ay may nagrereklamo dahil sa pakiramdam na hindi patas ang paghahati ng mga gawaing bahay.
Sa totoo lang po talagang nakaka-stress. ‘Yung tipong hindi pa nag-uumpisa sa gawain ay nakakaramdam ka na ng pagod dahil sa mga sentimyento. Pero dahil ako ang nakakatanda sa aming magkakapatid, hindi ko kayang balewalain ang situwasyon namin.
Hindi dapat na maging magulo ang aming samahan at lalong hindi dapat na nauuwi sa tampuhan ang simpleng usapan.
Mahal ko po ang aking mga kapatid at nasasaktan ang kalooban ko kapag nakikita ko silang nag-iismiran o kaya’y hindi nagkikibuan. Gusto ko po maresulba ang problemang ito, para maging masaya kaming magkakapatid lalo na kapag magkakasama kami. Ganon naman po dapat ang ambience ng isang tahanan, di po ba, Dr. Love?
Ano po kaya ang maaari naming gawin para maiwasan ang aming mga pagtatalo at maging maayos ang aming pagsasamahan?
Angelie
Dear Angelie,
Karaniwan lamang ang ganitong pro-blema sa magkakapatid, lalo na kung hindi malinaw ang paghahati ng mga responsibilidad sa bahay.
Sang-ayon ako sa sinabi mo na dahil magkakaiba ang ugali, kadalasan ay may kanikaniya ring pananaw.
Ang pinakamainam ninyong gawin ay mag-usap nang maayos at magtakda ng iskedyul ng mga gawaing bahay para malaman ng bawat isa ang kanilang tungkulin.
Mahalaga rin ang pagtutulungan at pag-unawa sa isa’t isa. Iwasan ang pagsisihan at sa halip ay magtulungan para mabilis na matapos ang mga gawain.
Tandaan na mas mahalaga ang pagkakaisa ng pamilya kaysa sa anumang gawaing bahay.
Dr. Love
- Latest
















