^

Dr. Love

Pambihirang hiyas!

-

Dear Dr. Love

Tawagin n’yo na lang po akong Marie. Napag-iwanan na po ako ng panahon dahil sa edad kong 32 ay wala pa po akong asawa. Maganda po ako at nakapagtapos ng pag-aaral ngunit walang trabaho. Lagi po ako mapag-isa at bihira na ko makisalamuha sa mga kaibigan ko.

Magdadalawang taon na po kaming hiwalay ng boyfriend ko pero hanggang ngayon naaalala ko pa rin siya kahit may asawa’t anak na. Masyado ko pong dinamdam ang paghihiwalay namin noon dahil lahat ng mga pangarap n’ya para sa akin ay naglaho.

Dinahilan n’ya bihira kami magkita at mag­kasama, walang spices sa samahan namin at masyado lang daw po s’ya mapaghanap. Ang alam kong dahilan, hindi ko naibigay ang kabirhenan ko sa kanya. Gusto ko po sana makasal muna bago mangyari ‘yon.

Late bloomer po ako at first boyfriend ko s’ya sa loob ng apat na buwan lamang. Kaya siguro hindi rin nagtagal dahil long distance relationship at ilang beses lang kami nagkita mula ng umuwi s’ya ng Pinas. Balewala rin po ang pag-chat sa internet.

Dr. Love, sa palagay n’yo po ba may magka­kagusto pa sa akin kahit matanda na ako at walang trabaho? Sana po matulungan n’yo ako dahil laging may bumabagabag sa kalooban ko.

Maraming salamat po.

Sincerely yours,

[email protected]

Dear Marie,

Congrats for being one rare of a gem! Bihira na sa ngayon ang kagaya mo na iniingatan ang pag­ka-dalaga. Keep it up. Ituring mo na hindi ka nawalan sa nagsalawahan mong boyfriend kundi siya ang nawalan dahil mahihirapan na siyang humanap ng isang katulad mo.

Para sa akin, hindi siya karapat-dapat sa iyo dahil isang bagay ang hangad: Ang makuha ang iyong pagkadalaga. Buti nga sa kanya at binigo mo siya. Huwag mo nang guluhin ang isip mo at ituring mong ipinag-adya ka ng Diyos sa isang mapagsamantala.

Tama ang ginawa mong huwag isuko sa kasintahan mo ang iyong virginity dahil ito’y isang bagay na mahalaga sa isang relasyon.

Sana’y patuloy mong ingatan ang iyong pag­kababae at huwag isiping napag-iiwanan ka na ng panahon. Hindi dahilan iyan para magpa­dalus-dalos.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa LibNGAYON @philstar.net.ph.)

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR MARIE

DR. LOVE

LIBANGAN SECTION

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with