Anti-Distracted Driving Act, pinalabo ng DOTr
MULING pinatunayan ng Department of Transportation (DOTr) ang kapalpakan at kahinaan sa implementasyon ng batas.
Isa rito ay ang bagong batas partikular ang Anti-Distracted Driving Act na masyadong pinalabo at pinagulo ng DOTr.
Batay sa interpretasyon ng DOTr, lumawak na ang saklaw ng bagong batas na ito dahil maging ang nakasabit sa windshield ng sasakyan tulad ng dash cam, paggamit mg waze o google maps na app sa mga cell phone para makaiwas sa masisikip na daloy mg trapiko.
Nagsalita na ang ilang mambabatas tulad nina Sens. Tito Sotto at JV Ejercito na pinalawak mg DOTr ang batas at nagbigay ng kalituhan sa publiko.
Ayon kina Ejercito at Sotto, simple lang daw ang layunin ng Anti-Distracted Driving Act at ito ay pagbawalan ang lahat ng motorista maging pribado o pampubliko na gumamit ng cell phone.
Malinaw aniya ang ipinagbabawal ng bagong batas ay bawal ang gumamit ng telepono tumawag o mag-text habang nagmamaneho.
Pero biglang lumawak na ang nilalaman ng batas sa implemetasyon nito at bukod sa pagbabawal sa paggamit ng cell phone ay nadagdagan pa ito ng kung anu-ano.
Makabubuting suspendihin muna ang implementasyon ng batas dahil mismong ang mga magpapatupad nito ay nilito ang publiko at baka mauwi lang ito sa katiwalian.
Alam naman ng lahat ng ningas kugon lang ang gobyerno na kapag may bagong batas ay mainit ang implementasyon pero makalipas ang ilang buwan ay mababalewala na ang batas.
Sa ngayon nga, maraming batas ang hindi naman naipatutupad tulad ng Clean Air Act na kung saan ay patuloy ang pamamayagpag ng mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok, pagsuot ng helmet na makikita sa labas ng Metro Manila na hindi sinusunod.
Isang halimbawa lang sa Commonwealth Avenue, Quezon City, hayagan ang pagbiyahe ng mga tricycle na mahigpit na ipinagbabawat at hindi pagsunod sa speed limit at napakara-ming paglabag pa.
- Latest