Ex-janitor na pumasa sa Bar, tumanggap ng P100K mula kay Erap
MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap at galing personal na inabot ni Manila Mayor Joseph Estrada na cash gift na P100K kay Ramil Comendador, dating janitor sa Comelec na isa sa mga nakapasang bagong abogado sa 2016 Bar exam.
Sa isang simpleng seremonya sa Office of the Mayor laking pasasalamat naman ni Comendador sa gantimpala at pagkilala ni Estrada, gayundin ng lungsod ng Maynila sa kanyang tagumpay.
Ayon kay Estrada, indikasyon lamang na walang imposible basta hahangarin na makamit ang pangarap.
Sinabi naman ni Comendador na napatunayan niyang hindi hadlang ang hirap upang matupad ang kanyang pangarap na maging abogado.
Nabatid na ‘‘first take’’ ni Comemdador ang 2016 bar exam.
Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga abogadong nagpahiram ng mga libro sa kanya.
“I am thankful for the excellent schooling at UDM. Kung wala ang UDM, wala kaming mararating. Salamat po sa UDM at sa suporta ni Mayor Erap,” pahayag ni Comendador.
Ibibigay ni Comendador ang cash gift sa kanyang ina na nasa Catanduanes.
- Latest