^

Metro

CIDG isinampa kasong cybercrime vs Chinese spy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City Prose­cutors Office ng paglabag sa cybercrime laws ang Chinese national na pinaghihinalaang spy na naaresto nitong Mayo sa Makati City.

Ayon kay CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act ang isinampa laban kay Yuhang Liu kasunod ng testimonya ng mga complainant at saksi. Aniya, sa patuloy na pagtaas ng cyber threats, prayoridad nila ang kaligtasan ng publiko online.

Matatandaang si Liu ay naaresto sa panulukan ng Finlandia Street at C inodornico Street sa Barangay San Isidro, Makati City.

Ang pagdakip kay Liu ay nag-ugat sa reklamo ng isang complainant na umano’y hinaharas at tinatakot ng suspek sa pamamagitan ng communication hacking devices.

Nabatid na inilagay ang mga equipment sa ­ilang mga vital installations upang ihack ang mga cellphones. Nakitaan din ng CIDG ang suspek ng baril ng walang kaukulang papel.

Nasamsam din sa bahay ng suspek ang inverter unit, aerial drone, computer keyboard, CPU units, portable power supply hubs, several IDs, at cash.

MAKATI CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with