NBI ipatatawag HOA Prexy sa ‘secret POGO hub’
MANILA, Philippines — Ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang presidente ng homeowners’ association ng Multinational Village sa Parañaque City upang ipaliwanag ang umano’y muling pagdami ng mga Chinese nationals na dating POGO workers na naninirahan sa loob ng nasabing subdivision.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na pagpapaliwanagin nila si Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHOAI) president na si Arnel Gacutan matapos maaresto ang pitong Chinese national na sangkot sa catfishing at credit cards scams, cryptocurrency scams at fake investment scams at iba pa.
“Galing ang Chinese national sa isang malaking organisasyon ng POGO. Dahil sa wala na nga, pinatigil na ng ating Pangulo ang POGO, nag-divide sila sa smaller group at itinuloy nila ‘yung mga kalokohan nila,” ani Santiago.
Nitong mga nakalipas na buwan, 37 Chinese national ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Multinational Village dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na pagbebenta ng pagkain, groceries at pago-operate ng mga restaurants sa nasabing lugar.
- Latest