^

PM Sports

Sa POC presidential election: Cojuangco walang kalaban?

Abac Cordero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tila walang hahamon  kay incumbent Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping Cojuango’ sa kanyang asam na ikaapat na term bilang POC president.

Ito ay matapos itanggi ng business tycoon at sports patron na si Manny V. Pangilinan na interesado siyang tumakbo para sa top POC post sa gagawing eleksiyon sa Nov. 25.

Sinabi ni Pangilinan na wala siyang interes sa naturang posisyon dahil wala siyang panahon para dito sa ngayon.

 “This time, not really,” sabi ni Pangilinan noong Biyernes sa Game 1 ng PBA Governors’ Cup finals sa pagitan ng kanyang koponang  Meralco at Ginebra sa Smart Araneta Coliseum na napanalunan ng  Bolts sa overtime, 114-109. “Ang dami kong trabaho.”

Bukod sa pagmamay-ari ng tatlong teams sa PBA – Meralco, TNT KaTropa at NLEX, mayroon pa siyang kailangang asikasuhing mga kumpanya tulad ng Smart, PLDT, TV5, Maynilad at iba pa.

Ayon sa isang source, maaaring ikonsidera ni Pangilinan ang POC presidency kung magkakaroon ng clamor para sa kanyang pagtakbo.

Gayunpaman, sinabi ni Pangilinan  na wala pang lumalapit sa kanyang mga NSAs  ngunit inamin niyang mara-ming nagsasabi sa kanyang dapat siyang tumakbo sa eleksiyon.

Taong 2012 nang maging matunog ang ang pangalan ni Pangi-linan, tumutulong sa iba’t ibang sports sa pamamagitan ng kanyang MVP Sports Foundation, sa pagtakbo bilang POC president ngunit bigla na lamang itong umatras.

 “A few years ago that was also raised. Di naman nangyari ‘yun Saka ayoko. Pulitika ‘yun e, “ sabi pa ni Pangilinan. “Siguro we’ll deal with it when we get there -- kung mangyari man ‘yun.  Tingnan natin.”

Si Cojuangco ay naging pangulo ng POC mula pa noong 2004 at bukod kay Pangilinan ay wala nang iba pang pangalang lumutang na tatakbo bilang president ng grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with