^

Probinsiya

Magsasaka inutas dahil sa martilyo

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 41-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ng kanyang utol dahil sa hiniram na martilyo kamakalawa sa Sitio Libtong, Barangay Payatan sa bayan ng Goa, Camarines Sur. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Ruben Borado Sr. habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Rodolfo Borado, 59, binata, magsasaka at nakatira rin sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa bahay ng suspek ang biktima upang manghiram ng martilyo subalit wala ang kanyang utol kaya kinuha na lamang nito ang martilyo.Nakasalubong naman ng biktima ang kanyang kuya at namataan ang kanyang martilyo kaya kinompronta nito ang utol hanggang sa magkasigawan. Dito na pinagtataga ng suspek ang kanyang nakababatang utol hanggang sa  mapatay saka tumakas.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY PAYATAN

CAMARINES SUR

DITO

KANYANG

MARTILYO

NAKASALUBONG

RODOLFO BORADO

RUBEN BORADO SR.

SITIO LIBTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with