Dr. Hayden nagsalita sa pagdalaw kay Sen. Bong
Inamin ni Dr. Hayden Kho nang makakwentuhan namin sa press visit ng Healing Galing sa TV5 na noong masangkot ito sa sex video scandal ay nagalit siya sa sarili dahil feeling nito ay galit sa kanya ang mga tao. Dumating pa sa punto na gusto na niyang kitilin ang sariling buhay.
Mabuti na lang at may nakilala siyang mga tao na siyang umakay sa kanya na magbalik-loob sa Panginoon.
Sabi ni Hayden ‘‘I don’t believe in religion. I believe in Jesus Christ lang. Hindi ko na alam kung ano ang kahulugan ng buhay. I tried so many doctrine. Ngayon ay nagbago at ibinigay ko ang aking buhay kay Lord. I surrender everything to Him. Binigyan Niya ako ng blessings. Naibalik ang aking medical license at nabigyan pa ako ng TV5 ng morning show na Healing Galing kasama si Dr. Edinell Calvario.’’
Nagtapos si Hayden ng Medical Technology sa UST noong 2005. Nag-aral din ito ng anti-aging medicine sa Makati Medical Clinic hanggang nagtrabaho kay Dr. Vicki Belo.
Nag-aral ito sa Oxford Center for Christian Apolegetic. Hindi pa sila nagkakausap ni Katrina Halili para makahingi siya ng tawad. Kung sakaling mangyari ito ay ayaw niyang itong ipasulat.
Ayaw din niyang mag-comment sa tanong kung binabasahan ba niya ng Bibliya si Sen. Bong Revilla kapag dinadalaw niya sa PNP Custodial Center. Baka raw magalit si Lord pag nagkuwento siya.
Ka-partner at Dr. Hayden layuning pagsamahin ang Eastern at Western medical practices
Marami kaming natutuhan sa naturophatic medicine na ibinahagi sa amin ni Dr. Edinell Calvario na partner ni Dr. Hayden Kho sa Healing Galing. Natutunan niya ito sa Sri Lanka noong 1994. Nalalaman nito kung ano ang sakit ng tao sa pagtingin sa dila, kuko at palad ng pasyente. Dati siyang taga-radyo - Radyo ng Bayan - at nagbibigay ng payo tungkol sa mga sakit at alternative medicine.
Layunin ng dalawa na pagsamahin ang Eastern at Western medical practices kung saan magbibigay din sila ng lunas at pamamaraan upang maiwasan ang sakit.
Mapapanood ang Healing Galing sa TV5 tuwing Lunes hanggang Biyernes simula 10 a.m.
- Latest