^

PSN Showbiz

Kyline, sinasarili na ang paglalagay ng makeup!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyline, sinasarili na ang paglalagay ng makeup!
Kyline Alcantara

Kamakailan ay napabalitang nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Nagkaroon ng ispekulasyon ang netizens na posibleng nagkahiwalay na ang magkasintahan. “As long as you know, I know that my intentions are clear, pure, siguro hindi na din po ako magpapaka… kaya hindi siguro ako naaapektuhan because I know my intentions are pure,” makahulugang pahayag ni Kyline sa 24 Oras.

Abala na ngayon ang aktres sa ta­ping ng Beauty Empire kasama sina Barbie Forteza, Gloria Diaz at Ruffa Gutierrez. Mayroon umanong pinag-uusapan sa set ang mga bida ng serye lalo pa’t mayroong beauty queens sa grupo. “Makeup po. Ako kasi I do my own makeup po. So si Ms. Gloria and si Ms. Ruffa, even si Barbie parang, ‘Pa’no mo nagagawa ‘yan? Ang hirap, iisipin mo pa ‘yung lines mo.’ Sasabihin nila, ‘Ang ganda ng blush on mo, ano ‘yan?’ So sasabihin ko po sa kanila. Napakasaya po ng taping namin dahil lahat kami ay nagiging close na. Kami kasi naman ni Barbie, close na po kami ever since, at lagi ko sinasabi sa kanya na pangarap ko talaga siyang makatrabaho and finally, so gagalingan ko ‘to,” nakangiting kwento ng Kapuso actress.

Nakatakdang magtungo sa Korea ng buong grupo ng bagong GMA series sa susunod sa buwan upang mag-taping. Ngayon pa lamang ay nagpaplano na sina Kyline at Barbie ng mga gagawin sa Korea kapag break time. “Ang dami na naming plano ni Barbie. Plano naming mag-samgyup, plano niyang tumakbo, baka samahan ko lang siya. Lakad lang ako,” natatawang pagtatapos ng dalaga.

Inigo, nailabas ang passion sa rugs

Bukod sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte ay mayroon pang ibang nahihiligan ngayon si Inigo Pascual. Gumagawa na ang aktor ng rugs na may iba’t ibang disenyo. “That’s one of my passions. I love design. I make rugs. I make a lot of artworks and stuff but personally, interior designing is parang one of my hidden passions. I’ve always had it,” bungad ni Inigo sa ABS-CBN News.

Mag-isang natutunan ng binata ang paggawa ng rugs. Nagsimula ang kaalaman ni Inigo rito dahil sa panonood ng videos online. “It’s been a year now. So, I recently started making rugs. My recent collection is the cat collection. All of these are my designs. I sold some of my designs already. I learned it all by myself sa YouTube lang,” pagbabahagi ng actor-singer.

May plano na rin si Inigo na ituluy-tuloy na ang pagdidisenyo at gawin na itong negosyo sa mga susunod na taon. “Eventually I want to start a business on my designs. The octopus design is something that I also enjoyed. I have my own equipment at home. Everything is handmade. I have some of my stuff that I keep personally but I’ve sold a couple of pieces as well. I love creating just random things and eventually my dream is to get into the apparel world to create clothes and stuff. Hopefully in the near future,” paglalahad ng binata. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with