Mystery girl ni Kobe, kilala na?!

May fan ni Kobe Paras na nag-react sa pagiging cover ni Kyline Alcantara ng April issue ng Cosmopolitan. Hindi raw bagay maging cover nang nasabing magasin si Kyline dahil may koneksyon siya na gumagawa ng paraan para siya ay maging cover.
Ayon sa basher, may super duper friend si Kyline na connected sa fashion, kaya kahit wala siyang “K” mag-cover, nagagawan ng paraan ng kanyang friend. Bagay na kinontra ng fans ni Kyline, naku-cover ang Kapuso aktres dahil deserved niya ito at hindi dahil sa koneksyon.
Mas tama pa raw kung sinabi ng basher na na-cover si Kyline dahil advance promo para sa series nila ni Barbie Forteza na Beauty Empire.

May nabasa rin kami na comment, actually, payo kay Kyline na tigilan na niya ang pagpapa-botox dahil sobrang tambok na ang pisngi niya, hindi na natural ang dating. Sinabihan pa siya na papunta na ang hitsura kay Madam Auring.
Sumagot ang fan ni Kyline na natural ang tambok ng pisngi nito at hindi dahil sa botox. Kung nakikita raw niya ito noon, matambok na talaga ang pisngi nito at hindi ‘yun gawa ng siyensya.
Samantala, may mukha at pangalan ang diumano’y girl na nakitang ka-holding hands ni Kobe sa Bali, Indonesia.
Ang usap-usapan, Rhaila Tomakin ang pangalan nito at singer daw at nakakontrata sa O/C Records na ang alam namin, pagmamay-ari nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.
In fairness, hindi pa man nare-report sa isang entertainment website ang tungkol sa girl, nabalita na ng fans at pinangalanan na rin nila.
Kung paniniwalaan ang netizens, matagal na diumano na kilala ni Kobe si Rhaila kahit noong karelasyon pa nito si Erika Poturnak, ang daughter ni Ina Raymundo. Na-date na rin siya ni Kobe after ng breakup nila ni Erika, kaya hindi siya bagong conquest ni Kobe.
Nakaabang daw kay Kobe si Rhaila at nagkaroon diumano ito ng chance nang lumipad pa-Bali si Kobe and his friends hanggang sa makunan nga sila ng photo na magka-holding hands na naglalakad na nakatalikod.
Hintayin lang natin at malapit na ring makita ang mukha niya, sa mga post ngayon, madilim ang photos niya at ‘yung photo naman na magkasama sila ni Kobe sa pool.
Bukas din ang pahinang ito sakaling gustong magbigay ng pahayag ni Rhaila at pwede naman niyang itanggi kung hindi nga siya ang babae na kasama sa Bali ni Kobe.
- Latest