Mga likha ni brillante Mendoza, bibida sa Cannes

Dadalo ang Fire and Ice Media sa Marché du Film sa Cannes mula May 18 hanggang 21, upang dalhin ang malalakas na hanay ng pelikula na sumasalamin sa lalim, sining, at tunay na tinig ng makabagong Asian cinema.
Kabilang sa kanilang lineup ang theatrical at streaming-ready films – nagtatampok sa mga hinahangaang obra mula sa koleksyon ni Brillante Mendoza, kasama ang mga maingat na piniling mga tagong yaman na may matinding hatak sa mundo.
Kabilang dito ay ang Motherland (Bansa) na dinirek ni Brillante Mendoza at pinrodyus ng Center Stage Productions, na pinagbibidahan nina Rocco Nacino, Cesar Montano, Gina Alajar, Ricky Davao, Marvin Agustin, Epy Quizon, kasama sina Mon Confiado, Joem Bascon, Christian Vasquez, Kiko Matos, Vince Rillon, Jess Mendoza at Jomari Umpa;
Pula na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza, na pinrodyus ng Center Stage Productions na pinagbibidahan nina Coco Martin, Julia Montes, Raymart Santiago at Lotlot De Leon;
Apag na likha rin ni Brillante Mendoza na kinabibilangan nina Coco Martin, Gladys Reyes, Lito Lapid, Jaclyn Jose at Mercedes Cabral na mula sa Center Stage Productions;
Moro ng Center Stage Productions at mula rin sa direksyon ni Brillante Mendoza na pinangungunahan nina Laurice Guillen, Piolo Pascual, Baron Geisler at Christopher De Leon;
Crosspoint mula sa direksyon ni Donie Ordiales na pinrodyus ng High Road Creatives & 034 Productions. Pinagbibidahan ito nina Carlo Aquino, Takehiro Hira, Sho lkushima, Sarah Abad, Kei Kurosawa, Ian De Leon, Dindo Arroyo at Rie Shibata;
Blue Imagine mula sa Cobalt Pictures Co., Ltd.,WA Entertainment, Inc. at Fire and Ice Media na dinirek ni Urara Matsubayashi. Pinagbibidahan ito nina Mayu Yamaguchi, Asuka Kawatoko, Yui Kitamura, Yoshihiko Hosoda, Yuzumi Shintani, Iana Bernardez at Stephanie Arianne;
At The Last Shadow At First Light na sinulat at dinirek ni Nicole Midori Woodford na pinrodyus ng Potocol, Fire and Ice Media, Happy Infinite Productions, Studio Virc at Fourier Films. Kabilang sa cast ay sina Masatoshi Nagase, Mihaya Shirata, Mariko Tsutsui at Peter Yu.
- Latest