^

Bansa

Bulakeños, Kapampangans: ‘Sure Win’ ka sa amin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bulakeños, Kapampangans: ‘Sure Win’ ka sa amin
Bukod sa mainit na pagsalubong sa mga botante, pormal na inendorso si Revilla sa kanyang mga aktibidad sa kampanya sa San Jose del Monte, Bulacan at sa buong Pampanga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinamalas ang masigasig na suporta ng mga botante at pangunahing lokal na lider ng Bulacan at Pampanga sa pagtiyak ng panalo ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa kani-kanilang probinsya.

Bukod sa mainit na pagsalubong sa mga botante, pormal na inendorso si Revilla sa kanyang mga aktibidad sa kampanya sa San Jose del Monte, Bulacan at sa buong Pampanga.

"Taos-puso po akong nagpapasalamat sa mga kababayan natin sa Bulacan at Pampanga. Talagang nakakataba ng puso kasi kitang-kita ang buong suporta ng mga local officials at ng ating mga kababayan lumalabas, kumaway, humahabol, yumayakap, at humahalik. Kaya't lalo na tayong ginaganahan pagbutihin pa ang serbisyo," ani Revilla.

Noong Abril 22, pinangunahan ng charismatic solon kasama ang anak na si Dra. Loudette Bautista, ang isang motorcade sa mga kalye ng San Jose del Monte, na humatak ng napakalaking pulutong ng mga residente upang ipakita ang kanilang suporta.

Nasundan ito ng town hall caucus na ibinahagi naman niya ang legislative agenda kabilang ang panawagan para sa abolisyon ng provincial wage rates, at isulong ang unified national minimum wage.

Ang platform at legislative track record ni Bong Revilla ay nakakuha sa kanya ng opisyal na pag-endorso ni San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes at Congw. Rida Robes, na kapwa binanggit ang kanyang matagal nang serbisyo at pare-parehong adbokasiya para sa mga patakarang maka-mamamayan.

Abril 23, si Revilla ay sumali sa serye ng mga power rallies sa Lapid Arena, Laus Events Center, Kingsborough International Convention Center, at Bren Z. Guiao Convention Center, sa Pampanga.

Si Bong Revilla ay pormal na inendorso ni incumbent Vice Governor at gubernatorial candidate Nanay Baby Pineda, isang pangunahing political figure sa rehiyon.

Sa Caucus, sinabi nya na itutulak niya ang mga pangunahing pagpapaunlad ng imprastraktura na magpapahusay sa mobility, logistics, at pangkalahatang economic competitiveness bilang suporta sa patuloy na pag-angat ng Pampanga bilang isang regional economic hub.

"Napakalaki ng potensyal ng Pampanga – lalo na kung mapapabilis pa natin ang biyahe, mas mapapalago ang turismo, at mapapalawak ang oportunidad sa negosyo. Bubuhusan natin ng suporta ang imprastraktura sa Pampanga dahil ito ang susi sa mas masiglang ekonomiya," giit ng senador.

JR.

RAMON BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with