Magaling na aktor na maamo ang mukha pinagbabato ang gamit sa taping, salamin ng make-up artist nagkabasag-basag
Aware kaya itong si magaling na aktor na pinag-uusapan na ng ilang production staff ang attitude niya?
Hindi raw nila akalain na malayo sa maamo niyang mukha ang ipinapakita nitong ugali kapag nagagalit.
Hindi lang idinetalye kung kailan at kung saang programa ito nangyari, pero nabigla raw ang mga staff sa taping nila nang magwala raw sa tent niya itong si magaling na aktor.
Nairita raw kasi si aktor sa paulit-ulit na pinapagawa sa kanya ng direktor.
Nung pinapunta raw ito sa set para mag-ready sa kukunang eksena, ilang beses daw silang nag-rehearse. Nung kinunan na raw ang eksena, ilang beses daw itong pinapaulit ni direk.
Magaling naman kasi itong si aktor at sa tingin niya maayos ang ginawa niya, pero gusto raw ni direk kumuha ng iba’t ibang anggulo at may isa pa raw silang kinunan na nagkakamali ang kaeksena nito.
Pagkatapos daw ng take, malutong na mura raw ang pinakawalan ni aktor sa direktor at pagdating sa set, pinagbabato raw ang lahat na gamit niya.
May nadampot daw na monoblock, ibinato ito at tumama raw sa make-up set ng kanilang make-up artist. Ayun! Basag daw ang salamin ni make-up artist.
Napaiyak pa raw si make-up artist dahil hindi naman daw mumurahin mga gamit niya, nagkabasag-basag pa.
Hindi na namin alam kung binayaran ‘yun ni aktor, pero may takot na raw si make-up artist dito kay aktor.
Napapag-usapan daw nila ito ng iba pang production staff, doon na rin nasagap ang isa pang kuwentong nagalit din daw itong si magaling na aktor sa kanilang executive producer.
Ang kuwento raw, nairita raw si aktor sa ingay ni EP. May pagkatalakera raw itong si babaeng EP, kaya hindi raw siya nataypan ni aktor.
Nasa taping daw sila uli, pinapunta na raw ni EP si aktor sa set dahil kukunan na raw ang eksena. Pero hindi naman daw nag-take agad.
May pinapaayos pa raw ang direktor na ilaw, hanggang sa natagalan ang paghihintay ni aktor.
Hindi lang tiyak ang aming source kung nagtalo si EP at si aktor na matagal na raw irita sa kanya.
Narinig na lang daw ng ilang staff na nag-dialogue itong si magaling na aktor kay EP ng tipong, “kung lalaki ka lang, kanina pa kita nasapak!”
Kaya ayaw na raw ni EP na kuning artista itong si aktor kahit magaling pa itong umarte.
Ibinahagi rin ng manager ng grupo ng talents na nasaksihan din daw nila kung gaano kaastig itong si magaling na aktor.
Matagal na raw itong nangyari na kung saan maraming talents daw sa eksenang gagawin ni aktor. Natagalan na naman daw sila, dahil paulit-ulit silang nagte-take.
Lagi raw kasing nagkakamali ang ibang talents na ikinairita na rin ng direktor. Pero bago mairita si direk, nauna pa si magaling na aktor.
Nataranta raw ang mga talent nang nagbitaw na naman daw itong si magaling na aktor ng linyahang “sana suntukan na lang ang eksena, hindi ko kayo aatrasan lahat!”
Ang bongga ni magaling na aktor ‘di ba?
Enchong, mas pinili ang sacrifice…
Back to work na si Enchong Dee sa kabila nang pagka-hospitalize nito dahil sa malalang allergy.
Kailangan niyang tapusin ang It’s Okay Not To Be Okay, at ngayon ay sasabak naman siya sa mahigit dalawang linggong shooting sa Quezon ng pelikulang The Sacrifice na first production ng film production ni Lovi Poe na C’est Lovi Productions.
Parang ang ganda ng pelikula lalo na’t exciting ang cast na pinangungunahan ni Lovi kasama sina Pokwang, Max Collins, Tommy Alejandrino, Hollywood actors na sina Timothy Granaderos at Louie Chapman, at si direk Lav Diaz. Si Prime Cruz ang direktor.
Gustung-gusto ni Enchong ang role niya sa movie project na ito, kaya talagang isinantabi muna niya ang ilang commitments.
Nanghihinayang nga raw siya dahil mapapa-absent na naman daw siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab. “Pero talagang hinahanapan ko ng chance, kasi sobrang ganda rin ng response ng tao sa PBB ngayon,” bulalas ni Enchong Dee.
“So, every opportunity na magkaroon ng live, talagang sinisigurado ko na maka-attend. Pero ang kagandahan lang, ang daming hosts na puwedeng ‘pag absent ang isa, puwedeng mag-alternate,” dagdag niyang pahayag.
Nakakatuwa raw sa PBB ngayon dahil talagang dito raw nakita ang magandang collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN.
- Latest