^

Punto Mo

Unfair labor practice

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede bang matanggal ang empleyado dahil sumali siya sa union kahit sinabihan na siya ng kanyang bisor na huwag sumali rito? – Philip

Dear Philip,

Maaring mareklamo sa salang unfair labor practice ang isang employer kung sakali mang tanggalin niya ang kanyang empleyado dahil sa pagsali nito sa union.

Ang unfair labor practice ay ang mga paglabag ng employer sa karapatang mag-organisa ng kanyang mga empleyado.

Kabilang sa halimbawa ng unfair labor practice ang pagbabawal sa ?mpleyado na sumali ng isang labor union, pagkuha ng ibang manggagawa para gawin ang trabaho ng mga miyembro ng unyon upang mapilitan ang huli na tumigil sa pag o-organisa; pagpapataw ng diskriminasyon sa sahod, oras ng paggawa at iba pang mga kondisyon sa trabaho upang ma-discourage ang mga empleyado na mag-unyon o upang i-encourage sila na sumali sa isang partikular na unyon na pabor sa kompanya o employer.

Hindi basta-basta ang akusasyon ng unfair labor practice dahil sakaling magkaroon ng pinal na desisyon ukol sa pagkakaroon ng unfair labor practice sa isang kaso ay maaring maharap pa sa karagdagang kriminal na kaso ang mga sangkot sa nasabing paglabag.

LABOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with