^

True Confessions

Hiyasmin (219)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“GUSTUNG-GUSTO ko talaga si Hiyasmin para kay Dax kaya naisip kong gumawa ng paraan para magkalapit ang da­lawa,’’ sabi ni Nanay Julia kay Mama Lira. “Pero ‘yun pala, lihim na may pagti­ngin sa isa’t isa ang dalawa. Hindi ko na pala kaila­ngang itulak ang isa’t isa o makiusap.”

“Ang ganda pala ng love story nina Dax at Hiyasmin.”

“Talagang napakaganda, Mareng Lira. Kakaiba sa lahat ng pag-iibi­gan. Biruin mo naman nagsimula ang lahat sa isang ID ni Hiyasmin na napulot ni Dax.’’

Napanganga si Mama Lira.

“Anong ID yun, Mareng Julia?’’

“Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa ID ni Hiyasmin, Mare?’’

“Hindi pa. Ano yun?”

“Ayon sa kuwento sa akin ni Hiyasmin, nalaglag ang company ID niya sa kalsada sa tapat ng apartment ni Dax. Napulot ni Dax ang ID at dun na nagsimula ang magandang istorya ng pagmamahalan.’’

“Ikuwento mo nga sa akin nang buung-buo Mareng Julia. Lalo akong nasabik sa kuwento nila.”

“Dahil sa pagkakapulot ni Dax ng ID ni Hiyasmin, doon nagsimula ang lahat. Naki­usap si Hiyasmin na kung puwede itong maging kasambahay ni Dax. Hindi agad makapagpasya si Dax dahil hindi naman niya kailangan ang kasambahay at isa pa, hindi siya sanay na may kasama sa bahay. Katwiran ni Dax, kaya nga siya humiwalay ng taha­nan ay dahil gusto niyang mapag-isa.

“Pero dahil malambot ang puso ni Dax, sa halip na tanggapin si Hiyasmin na kasambahay, inalok niya ito na pag-aaralin na lang. Ikinuwento kasi ni Hiyasmin na estud­yante siya at kaya gustong pumasok na kasambahay ay para makatapos ng kurso. Hind makapaniwala si Hi­yasmin sa offer ni Dax. Ti­nanggap niya ang magandang alok ni Dax.” 

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with