^

Bansa

Duterte: Ok ako, do not worry

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Duterte: Ok ako, do not worry
Former president Rodrigo Duterte on October 28, 2024.
Senate of the Philippines Facebook page

MANILA, Philippines — “So be it if it is my destiny”.

Ito ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang video bago lumapag ang kanyang eroplanong sinasakyan sa Rotterdam The Hague airport.

Sa video message ng dating Pangulo na pinost sa kanyang facebook account, sinabi niya na ­inaasahan na niya ang mahabang legal proceeding matapos ang kanyang pagkaaresto.

“To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land in The Hague. Galing ako Dubai, stopover... It’s a long haul, it’s a long flight. OK ako. Do not worry,” pahayag pa ni Duterte.

Nanindigan din si Duterte siya ang mananagot sa mga nangyari noong nakaraan dahil siya ang naka front sa mga law enforcement maging sa military at nangakong poprotektahan sila.

“And I think this has something to do with the law and order noon, at sinasabi ko naman sa mga pulis, military na trabaho kayo at ako ang managot. So ito na nga,” ayon pa kay Duterte.

Bagamat mahaba pa aniya ang prosesong legal na kanyang kakaharapin ay patuloy naman siyang maglilingkod sa bansa at kung ito ang kanyang tadhana ay mangyayari.

“This will be a long legal proceeding but I say to you I will continue to serve my country at so be it, kung ganoon ang destiny ko. Salamat,” ayon pa sa dating pangulo.

Samantala, nakapasok na ang dating pangulo sa Hague Penitentiary Institution o sa Scheveniangen Prison kung saan dito siya mananatii habang hinihintay ang pagdinig ng kanyang kasong crime against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Ang kaso ay may kaugnayan sa war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with