TNT, hatid ang ‘MAX’ saya sa ika-25 anibersaryo nito

MANILA, Philippines — ‘MAX’ level na saya ang naghihintay sa milyun-milyong Pilipino ngayong ipinagdiriwang ng TNT ang ika-25 anibersaryo nito na may temang, “MAX Masaya sa Anibersaya 25!”
Sa buong taon, mas pinalawak na network, mas sulit na offers, at mas exciting experiences ang hatid ng TNT para sa pinakamalaking tropa ng bansa na may halos 35 million subscribers as of end-2024.
Mula sa unang mga KaTropa na sina Rico Yan, Dominic Ochoa at Marvin Agustin, hanggang sa latest na mga KaTropa na sina Kathryn Bernardo, Joshua Garcia at Mimiyuuuh, tuluy-tuloy ang sayang hatid ng TNT sa mga Pilipino sa loob ng 25 na taon.
Pinakamalaking tropa sa 'Pinas
“Nagpapasalamat kami aming halos 35 milyong subscriber na dahilan kung bakit patuloy na nangunguna ang TNT bilang pinakamalaking mobile brand sa Pilipinas,” saad ni Lloyd Manaloto, FVP ng Smart.
“Mula nang nag-umpisa ang TNT noong April 2000, ang tanging misyon namin ay maghatid ng saya sa mga Pilipino araw-araw. Ito ay nanatiling inspirasyon namin hanggang ngayon,” dagdag niya.
MAX pinalawak na network
Para tuluy-tuloy ang saya ng mga KaTropa, MAX Pinalawak na Network ang hatid ng TNT. Kamakailan lang ay inilunsad ng TNT at Smart ang 5G MAX sa Taguig City para sa leveled-up 5G experience na may mas mabilis na upload at download speeds at ultra-low latency para sa iba’t-ibang online activities.
Mas papalawigin pa ng TNT ang 5G Max areas at cell sites sa bansa para mas mapabuti ang mobile experience ng mga KaTropa—para sa kanilang online work at school, pag-i-stream ng mga paboritong series habang nasa biyahe, panonood ng TikTok ng kanilang mga idol, hanggang sa paglalaro ng mga mobile game kasama ang buong tropa.
MAX sulit na offers
MAX sulit na data packs din ang hatid ng TNT para sa mga KaTropa.
Para sa mga bagong KaTropa, ang TNT 5G SIM ay may kalakip na FREE 25 GB Data for only P39. Ito ay limited offer na available sa Smart Online Store with free delivery, at sa mga accredited retailer nationwide.
Patuloy ring mai-enjoy ng mga KaTropa ang sulit na TNT offers tulad ng Panalo 30, TikTok Saya 50, and Saya All 99 offers.
Ang Panalo 30 ay may 2 GB open access data, 500 minutes of Calls to All and 500 Texts to All valid for two days for only P30—sakto para sa nangangailangan ng reliable combo ng data, call at text.
Samantala, para sa buong araw na mobile entertainment, ang TikTok Saya 50 ay may Unli TikTok, 3 GB data, at Unli Calls & Texts valid for three days for only P50.
Para naman sa heavy data users, ang Saya All 99 ay may Unli Facebook, Unli Instagram, Unli Messenger, Unli TikTok, Unli Mobile Legends, Unli Calls and Texts to All, plus 6 GB open access data valid for seven days for only P99.
Lahat ng sulit TNT offers ay available sa mga suking tindahan, Smart App at mobile wallets. Pwede ring i-dial ang *123# para mag-register.
MAX exciting experiences
MAX exciting experiences at mga pakulo rin ang naghihintay sa mga KaTropa!
Mula February 28 hanggang March 31, may pagkakataon ang mga KaTropa na maka-bonding sina Kathryn Bernardo at Joshua Garcia! Para sumali at mag-ipon ng raffle entries, kailangan lang i-text ang TNT25 to 5858 at mag-avail ng Saya All 149 offer.
Marami pang special surprises ang handog ng TNT sa mga susunod na linggo at buwan, tulad ng instant data freebies, exclusive discounts at masasayang on-ground activities!
Wag pahuhuli! Sumali na sa pinakamalaking tropa ng bansa at makisaya sa 25th anniversary celebration ng TNT! Para sa latest updates, visit https://tntph.com/Pages/anibersaya2025.
Editor’s Note: Ang press release na ito para sa TNT ay hindi saklaw ng editorial guidelines ng Philstar.com.
- Latest