FL nasa Pinas ‘di hawak ng US authorities

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malakanyang na pinigil sa Estados Unidos ng mga awtoridad si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Sa isang mensahe na ipinadala ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa mga mamamahayag, sinabi nito na walang katotohanan na pinigil ng mga awtoridad sa Amerika ang unang ginang.
“There is no truth that FL was held by any law enforcers while in L.A. or and in any other place,” pahayag Castro.
Dagdag pa niya, ang Unang Ginang ay dumating dito sa bansa noong Lunes ng alas-5 ng umaga at bandang 5:58 ng umaga ay papauwi na ito.
Si First Lady Marcos ay sinasabing nasa Miami, Florida at Los Angeles, California mula Marso 5 hanggang 8.
Marso 11 nang mag-post ang Unang Ginang sa kanyang facebook ng larawan na ibinibigay ang donasyon sa Girl Scouts of the Philippines sa kanyang tanggapan sa Maynila.
Ang pahayag ng Malakanyang ay bunsod sa mga kumakalat na ulat sa social media na pinigil ito ng mga otoridad sa Amerika dahil sa hindi nito agad pagrereport sa pagkamatay ng isang kilalang negosyante na kanyang kasama.
- Latest