Australia may travel advisory sa pagpunta sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Naglabas ang gobyerno ng Australia nitong Miyerkules ng travel advisory sa mga mamamayan nito na bumibisita sa Pilipinas.
Ayon sa advisory, dapat panatilihin ng mga biyahero sa Pilipinas ang sobrang pag-iingat dahil sa banta ng terorismo ang mga bayolenteng krimen.
Binanggit din sa advisory ang panganib na posibleng idulot ng mga demonstrasyon at kaguluhang sibil kasunod ng mga kaganapan kamakailan.
Nakasaad din na ang pag-atake ng mga terorista ay maaaring mangyari saan man sa Pilipinas, kabilang na sa mga paliparan, pampublikong transportasyon, hotel, shopping mall, restaurant, major events at mga simbahan. Posible rin umanong targetin ang lugar na pinupuntahan ng mga turista.
Pinayuhan din ang mga mamamayan ng Australia na huwag maglakbay sa gitna at kanlurang Mindanao, kabilang ang Zamboanga Peninsula, Sulu Archipelago, at southern Sulu Sea area dahil sa napakataas na banta ng terorismo at kidnapping.
- Latest