Loyalty check sa PNP, AFP ‘di kailangan – Malacañang
MANILA, Philippines — Hindi kailangang mag-loyalty check ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippine (AFP) matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na walang pangangailangan para mag-loyalty check sa security forces ang Pangulo dahil kampante siya.
Ang pahayag ni Castro ay kaugnay sa pagkalat ng mga ulat na maraming miyembro ng PNP at AFP ang nagbitiw matapos na arestuhin ang dating pangulo at ilipad patungong Hague, The Netherlands
‘Loyalty check? Wala po, kampante po ang Pangulo, ang ginawa naman po ng administrasyon ay naaayon sa batas,” giit pa ni Castro.
Nauna na rin itinanggi ng mga opisyal ng PNP na ilan sa kanilang mga tauhan ay nagbitiw bilang pagsimpatya kay Duterte at sa kanyang kinakaharap na legal battle sa ICC.
- Latest