^

Bansa

Romualdez nangako ng malaking panalo ng Alyansa senatorial bets

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Romualdez nangako ng malaking panalo ng Alyansa senatorial bets
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. attends the Constitution Day celebration at the Makati Shangri-La on February 8, 2024.
Pool photos by Noel Pabalete

MANILA, Philippines — Nangako nitong Biyernes si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mala­king tagumpay para sa mga senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Ang pangako ay ibi­nigay ni Romualdez habang siya ang na­ging host ng mga kandidato ng Alyansa na nagsagawa ng kanilang kampanya sa Tacloban City at Leyte kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Ipinapangako ko na mananalo nang malaki ang mga kandidato ng ating Pangulo dito sa Tacloban City at Leyte. Maghahatid kami ng malaking tagumpay para sa tiket ng Alyansa,” sabi ni Romualdez.

Aniya, ang Leyte ay itinuturing na bailiwick ng mga Marcos at Romualdez.

“Malawak at matatag ang suporta sa Pangulo ng amin. I am sure that this will translate into votes for Alyansa candidates on May 12,” ani Romualdez.

Idinagdag niya na ang Tacloban, Leyte at Eastern Visayas ay pipili ng mga kandidato na tutulong kay Pangulong Marcos Jr. sa kanyang adhikain na mapabuti ang buhay ng lahat ng Pilipino.

Ipinaalala ni Romualdez na noong 2022 presidential elections, ang Leyte ay nagbigay ng 641,065 boto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang pinakamalapit na karibal ay nakatanggap lamang ng 99,207 na boto.

Ang Alyansa ticket ay binubuo nina dating DILG secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Sen. Pia Cayetano, dating senador Panfilo “Ping” Lacson, Sen. Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senador Manny Pacquiao, dating Senate president Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Francis “Tol” Tolentino, Rep. Erwin Tulfo, at Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar.

FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->