^

PSN Opinyon

Menopause sa babae: Alamin ang sintomas

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang menopause ay ang permanenteng pagtatapos ng regla at fertility o kakayahang magbuntis.

Masasabing menopause ang babae kapag 12 buwan na nakalipas mula sa huling araw ng regla. Sa ibang kaba­baihan nangyayari ang menopause sa edad na 30s o 40s, habang sa iba naman ay 50s o 60s.

Ang menopause ay natural na proseso at hindi ito sakit. Ngunit ang pisikal at emosyonal na sintomas ng menopause ay maaaring makagambala sa iyong pagtulog, maka­pag­pahina, at magdulot ng kalungkutan.

Tandaan: Ang menopause ay hindi ibig sabihin na maba­­bawasan ang iyong pagkababae at sekswalidad. Sa katu­­na­yan, maaari maging isa ka sa mga babaeng pwedeng mag-enjoy ng pagtatalik na walang inaalala na baka ma­buntis pa.

Ang senyales at sintomas ay nararamdaman kung palapit na ang menopause. Kabilang dito ang:

1. Iregular na buwanang daloy

2. Nababawasan ang pagiging fertile

3. Panunuyo ng pwerta

4. Hot flashes o mainit na pakiramdam

5. Nagagambala ang pagtulog

6. Pabago-bago ang mood o emosyon

7. Lumalaki at tumataba sa tiyan

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with