^

Bansa

Senator Go: Mga programa ng NTF-ELCAC, palakasin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go, vice chairperson ng Senate committee on national defense, ang kritikal na pangangailangan na lalo pang palakasin ang mga hakbang tulad ng Balik-Loob Program sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ginawa ni Go ang pahayag matapos maghatid ng mga tulong ang kanyang Malasakit Team sa mga residente ng Mapanas, Northern Samar.

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng pagpapatibay sa NTF-ELCAC, mapabibilis ang pag-unlad sa mga apektadong lugar at mababawasan ang kahirapan, maging ang impluwensya ng mga rebeldeng grupo sa komunidad.

Sa pamamagitan din aniya ng pagsisikap na ito, mauudyukan ang mga rebelde na bumalik sa pangunahing lipunan kung kaya maiiwasan ang mga pagkakataon na panloob na alitan sa pagitan ng mga Pilipino.

“Ayaw po natin na ‘yung Pilipino ay nakikipagpatayan sa kapwa Pilipino. Kapag may sundalong namamatay, nauulila po ang mga anak. Kapag may rebeldeng namamatay, kawawa rin ang pamilya. Sobrang sakit po sa dibdib,” sabi ni Go.

Sa kanyang pagsisikap na suportahan ang mga apektadong komunidad ng kaguluhan, ang Malasakit Team ni Go ay namahagi ng mga grocery packs, meryenda, kamiseta, basketball, at volleyball sa 200 pamilyang nagtipon sa Mapanas Municipal Grounds. Binigyan din ng mga laruan ang mga batang naroroon.

Sa pamamagitan ng Retooled Community Support Program (RCSP), ang Office of Civil Defense Region 8 sa pamumuno ni Regional Director PBGen. Reynaldo Pawid ay pinangunahan ang isang Serbisyo Caravan. Nagkaloob sila ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente, tulad ng medical at legal aid, libreng gupit, school supplies sa mag-aaral, at iba pang pangangailangan.

Ang RCSP ay programang tumutugon sa mga isyung tinukoy ng mga komunidad mismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyekto ng pamahalaan. Tinitiyak din nito mapapanatili ang pag-unlad at kapayapaan sa mga komunidad.

vuukle comment

COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with