^

Bansa

DOJ: Garma, pinipigil pa rin sa US

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kasalukuyan pa ring pinipigil sa Estados Unidos si retired Police Colonel Royina Garma.

Sa isang ambush interview sa mga mamamahayag, sinabi ni Remulla na may kinalaman ito sa Global Magnitsky Human Rights Accountability Act na ipinasa noong 2016.

“Magnitsky Act ‘yan eh. They’re actually after her properties which she stored there, her money laundering activities, and of course, the human rights violations that were part of the Magnitsky Act,” paliwanag pa ng kalihim.

Tiniyak naman ni Remulla na gagawa sila ng mga hakbang upang mapauwi sa Pilipinas si Garma, sa lalong madaling panahon.

Matatandaang si Garma, at ang kanyang anak, ay inaresto ng mga awtoridad sa Estados Unidos noong Nobyembre 7 dahil sa kinanselang visa nito.

Nilinaw naman nang kampo ni Garma na wala itong planong magtago sa Estados Unidos at wala namang problema ang visa nito nang umalis siya sa bansa.

“I’m asking the Immigration people to do the formal work,” dagdag pa ni Remulla. “But anyway, we have the MLAT, Mutual Legal Assistance Treaty, so we will work this out.”

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with