US nagbigay ng $1 milyong ayuda sa Pinas
Sa sunud-sunod na bagyo
MANILA, Philippines — Nagbigay ng $1 milyong ayuda ang Amerika sa Pilipinas para sa mga nasalanta ng magkakasunod na mga bagyo.
Ito ang inihayag ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.
Bukod dito, nagpaabot din ng pakikiramay si Austin sa mga nasawi ng mga magkakasunod na bagyo na Kristine, Leon, Marce, Nika at Ofel na tumama sa bansa.
“Mr. President, I have authorized US troops and all the Philippine forces to provide life-saving aid to the Filipino people. The US have also secured another million dollar in urgent humanitarian aid and that will enhance the work of the USAID and the World Food Programme,” pahayag pa ni Austin.
Bukod pa aniya ang pinansyal na ayuda sa suplay na ibinigay ng Amerika para sa mga biktima ng bagyo.
“So I hope together, perhaps, especially the past 40 years has enabled our alliance to grow stronger and better, Mr. President. And you mentioned the exercise, it was your vision a while back, for these sites to be used to do exactly what you’ve described,” pahayag ni Austin.
Ikinagalak naman ni Austin na naging bahagi ang Amerika sa pagtulong sa Pilipinas.
Sa panig ni Pangulong Marcos, sinabi nito na sinusuri pa ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at ang lawak ng pinsala ng bagyo.
“Well, actually, we are assessing the damage and needs from Pepito which is the last one. And I think that we have determined that there were certain areas that were hit… That were hit very bad. But the rest of the country, because the storm crossed Central Luzon,” ayon pa kay Pangulong Marcos.
- Latest