Abalos nagpakitang gilas sa mga Caviteño
CAVITE, Philippines — Dumalaw rito sa lalawigan si dating Interior and Local Gov’t Secretary Benhur Abalos na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador.
Si Abalos ay mainit na sinalubong ng mga Carmonians sa pangunguna ni Carmona Mayor Dahlia Loyola, sa kanyang pagbisita sa Cavite nitong Sabado.
Isang pangako ang binitiwan ni Abalos sa mga Caviteño na hinding hindi nito tatalikuran at iisnabin ang mga pangangailangan lalo na ng mga magsasaka, mangingisda at mga naghihirap na kababayan.
Nagtungo rin ang dating kalihim sa bayan ng Silang kung saan binigyang diin na dapat nang baguhin o repasuhin ang Local Government Code kung saan nakikita diumano ang depekto ng mga responsibilidad ng probinsiya, responsibilidad ng mga mayors, governors at mga local officials.
Tinalakay rin niya ang tungkol sa epekto ng ilegal na droga sa komunidad at kung paano ito maiiwasan.
- Latest