PSN digital platform
MANILA, Philippines — Sa isang iglap ay binago nga ng pandemic ang ating mundo. Kaya naman lahat ay nagkumahog din kung paano makakasabay sa mabilis na pagbabagong anyo ng ating buhay. Lahat ay napilitang harapin ang sinasabing “new normal” na mabuti na lamang ay pinadali ang ating buhay sa pamamagitan ng paggamit ng mga digital platforms.
Kahit dumaan tayo sa pandemya sa isang banda, pinagaan din ng online network ang bawat aspeto ng ating buhay. Sa isang instant na click ay nakakonek na tayo saan mang sulok ng mundo.
Ang malaking blessings sa aming mga empleyado na kahit noong pang kasagsagan ng pandemic ay hindi iniwan ng mga loyal na readers at advertisers ang Pilipino Star NGAYON na nanatili pa ring numero unong diyaryo sa bansa sa awa ng Panginoon. Kaya lubos po ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng aming mga giliw na mambabasa.
Ang good news naman ay hindi rin nagpahuli ang Pilipino Star NGAYON pagdating sa digital na aspeto. Aba, sumabak din ang PSN na mayroong PSN Facebook Live, PSN YouTube, pati sa twitter world ay instant naka-click din ang mga balita ng PSN, at ang latest nga ay pagkakaroon ng Epaper ng PSN. Ito ang handog ng PSN, upang instant din na mababasa ang maiinit na balita, isyu, o kaganapan sa bansa sa pamamagitan ng online platform.
Isang click lamang sa inyong cell fone, Ipad, o computer ay mababasa na agad sa online ang mga makukulay na pahina ng PSN na kopya mismo sa inyong mga gadgets sa anyo nga ng digital form. Super galing dahil pang global na talaga ang access agad ng PSN sa kahit saan sulok ng mundo. Sa mga gusto pang magkaroon ng Epaper ng PSN ay kailangan lamang po kayong mag-subscribe sa www.philstarsubscribe.com. na sa isang click ay konektado ka agad sa ating PSN Epaper.
- Latest