Tobacco firms ikinatuwa pagkakasabat ng BOC sa P83.7 milyong smuggled yosi

MANILA, Philippines — Pinuri ng mga tobacco firms ang panibagong tagumpay ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga smuggler kasunod ng pagkakadiskubre sa P83.7 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa warehouse sa Bulacan.
Kabilang sa nagpaabot ng papuri sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng BOC ang Philip Morris Philippines Manufacturing, Inc. (PMPM) at ang Japan Tobacco International na parent company ng Winston at Camel.
Binati nina PMPM Intelligence and Investigation Security Officer Joseph Dizon at JTI counsel Atty. Raoul Fernandez ang CIIS-MICP sa mabilis na aksyon nito na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga smuggled na sigarilyo.
Pinasalamatan ni Fernandez ang liderato ni BOC Commissioner Bien Rubio sa matagumpay na operasyon.
Nakumpiska ng CIIS-MICP ang P83.7 milyong halaga ng 717 mastercases ng sigarilyo noong Huwebes, April 24, 2025.
Binigyan ng BOC ng 15 araw ang may-ari ng warehouse para magpakita ng mga dokumentong magpapatunay na legal ang pag-aangkat nila ng mga sigarilyo.
Kung mabibigo ay maaari silang maharap sa kaukulang mga kaso.
- Latest