^

Bansa

3 barkong pandigma ng China, umaaligid sa Balikatan war games

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine Navy (PN) na may tatlong barkong pandigma ng China ang namataang umaaligid sa mga barko ng Pilipinas at Estados Unidos, sa kasagsagan nang pagdaraos nila ng Balikatan exercise 2025 sa Zambales.

Ayon kay PN Spokesperson Captain John Percie Alcos, namataan ang mga barko ng Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN), may 60 nautical miles, sa kanlurang bahagi ng bayan ng Palauig, sa kasagsagan ng Maritime Multilateral Exercise (MME) noong Sabado, Abril 26.

Kabilang sa mga namataang barko ang Jiangkai II-class frigate na may bow number 579; isa pang barko na may bow number 500, at Dongdiao II-class auxi­liary surveillance ship na may bow number 797.

Tiniyak naman ng PN na nagpatuloy pa rin ang aktibidad ng BRP Ramon Alcaraz at BRP Apolinario Mabini, gayundin ang mga U.S combat vessel ship, sa kabila ng presensya ng Chinese vessels.

Siniguro rin nito ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at allied forces sa pamamagitan ng pag-monitor sa presensya ng mga Chinese vessel.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with