^

Bansa

Pinoy festival sa Canada inararo ng SUV: 9 patay!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pinoy festival sa Canada inararo ng SUV: 9 patay!
Ayon sa ulat, katatapos lang ni Apl.de.ap ng Black Eyed Peas sa kanyang performance nang mangyari ang insidente.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Siyam na katao ang nasawi matapos araruhin ng isang sport uti­lity vehicle (SUV) ang selebrasyon ng Lapu-Lapu Day festival nitong Sabado ng gabi sa Vancouver, Canada.

Ayon sa ulat, katatapos lang ni Apl.de.ap ng Black Eyed Peas sa kanyang performance nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Cliff Belgica ng United Filipino Canadian Associations in British Columbia (UFCABC) na patapos na ang festival at mara­ming nakapilang mga tao sa mga food trucks sa kahabaan ng block nang araruhin ng sasakyan ang 41st Avenue malapit sa Fraser Street.

Sa post ng Vancouver Police sa X, ang driver na 30-anyos na lalaki ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Hindi pa umano inila­labas ng pulisya sa Vancouver kung ilan ang bilang ng mga nasugatan sa nasabing insidente maging ang motibo ng driver.

“There were bodies on the street. They were run over. Some were already dead on the spot,” ayon sa isang saksi.

Sinabi ni Vancouver Mayor Ken Sim na ginugunita sa pagdiriwang ang Lapu-Lapu Day nang mangyari ang trahedya.

“Our thoughts are with all those affected and with Vancouver’s Fili­pino community du­ring this incredibly difficult time,” pahayag ni Sim.

FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with