Bong Go, personal na nagdeliber ng suporta sa multi-sectoral groups sa Samal Island
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagkakaloob ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga nangangailangang residente sa Island Garden City sa Samal, Davao del Norte sa kanyang huling pagbisita sa lugar noong Biyernes, kung kailan pinangunahan pa niya mismo ang pagsasagawa ng relief operations para sa mga magsasaka, solo parents, mangingisda, senior citizens at iba pang sectoral groups sa Brgy. Sta. Cruz.
Muling tiniyak ni Go ang kanyang commitment na matulungan ang mga nangangailangang kababayan kahit nasaan man silang lugar sa bansa.
Pinasalamatan din ni Go ang mga Samaleños sa kanilang patuloy na suporta sa buong panahon ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte, at tiniyak na ang pagtulong niya sa mga ito ay bahagi ng commitment niya at ni Pang. Duterte bilang mga public servants.
Personal ding pinangunahan ni Go ang pamamahagi ng grocery packs, vitamins, shirts, meals at masks sa mga residente. Nagkaloob din siya ng bagong pares ng sapatos, mga bisikleta at phablets, sa mga piling indibiduwal.
Pinayuhan din ni Go ang mga benepisyaryo na bisitahin ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City at Davao Regional Medical Center sa Tagum City kung saan matatagpuan ang mga Malasakit Centers upang matulungan silang mabayaran ang kanilang hospital bills.
- Latest