Duterte gustong pumatay ng mga senador

Para maipuwesto 9 pambato ng PDP-Laban…
MANILA, Philippines — Pabirong inihayag ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapapatay ang mga senador upang maipuwesto ang siyam na kandidatong pambato ng PDP-Laban sa May 12, 2025 senatorial race.
Sa proclamation rally ng PDP senatorial bets sa Club Filipino, sa San Juan City kamakalawa, sinabi ni Duterte na marami kasi ang senador kaya’t ang dapt gawin ay patayin ang mga ito upang may mabakanteng puwesto.
Ayon kay Duterte, makapatay lamang sila ng 15 senador ay makakapasok na silang lahat.
“Ngayon, marami kasi sila, ano ang dapat gawin natin? Edi patayin natin ‘yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 na senador, edi pasok tayong lahat,” anang dating pangulo.
Biglang bawi naman ito sinabing, “Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi, hindi naman lahat. Talking of opportunities, the only way to do it is to pasabugin na lang natin ‘yang ano.”
Sa nasabing proclamation rally ay pormal na inendorso ni Digong ang senatorial candidates ng PDP-Laban na sina Sen. Bong Go, Sen. Bato Dela Rosa, abogado at mang-aawit na si Jimmy Bondoc, Atty. Raul Lambino, aktor na si Philip Salvador, Jayvee Hinlo, Rep. Rodante Marcoleta, pastor Apollo Quiboloy, at dating executive secretary Vic Rodriguez.
- Latest