^

Bansa

DOH minaliit pagiging 'top 20' ng Pilipinas sa COVID-19 cases sa mundo

James Relativo - Philstar.com
DOH minaliit pagiging 'top 20' ng Pilipinas sa COVID-19 cases sa mundo
Kinukunan ng RT- PCR swab test ng medical technologist na ito ang isang pasyente sa Philippine Red Cross sa Lungsod ng Mandaluyong, ika-24 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Minaliit ng Department of Health ang pagkakalagay ng Pilipinas sa listahan ng 20 bansang may pinakamalaking bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa mundo — sa dahilang hindi raw nito isinang-alang-alang ang iginanda ng response ng bansa pagdating sa virus.

Basahin: Philippines enters list of top 20 countries with most COVID-19 infections

Ito ang inilahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes, sa isang virtual briefing kasama ang mga reporters.

"'Pag tingnan natin ang ranking among countries, they only show the cumulative number of cases... Ito 'yung numero ng mga kaso na mula nang mag-umpisa tayo. Ito 'yung totality ng lahat ng kaso," wika ni Vergeire.

"Pero 'pag tinignan ho natin ang ating mga datos, dapat tinitignan natin ilan na lang ba ang active cases mo? Ilan na ang napa-recover natin dito sa ating bansa? Ilan ba ang namamatay?" 

Ibinase ang top 20 list sa numerong na inilabas ng Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center na inilabas kamakailan, kung saan numero uno pa rin ang Estados Unidos (7,276,938) na sinundan ng India (6,312,584).

Aniya, napakalaki na raw kasi nang inihusay ng Pilipinas pagdating sa COVID-19 response simula nang mapasok ito ng virus mula sa Wuhan, China noong Enero 2020.

Maliban sa laki ng ibinaba ng daily cases na nairereport ng DOH sa pambansang antas, ganito rin daw ang ibinaba nito sa National Capital Region simula nang ilagay ito uli sa mahigpit na modified enhanced community quarantine noong August 4.

"From 16,000 weekly cases last August 6-12, bumaba na po tayo sa 3,772 weekly cases nitong nakaraang linggo as of September 28," dagdag pa ni Vergeire pagdating sa Metro Manila.

"So if we look at that, malaki na po ang naiimprove ng ating response compared to before."

Kasalukuyang nasa 80% pataas na rin daw ang recovery rate ng Pilipinas pagdating sa COVID-19. Tumutukoy ang recovery rate sa porsyento ng tinatamaan ng sakit na gumagaling mula rito.

Stable na rin aniya ang case fatality ng Pilipinas sa ngayon, na mas mababa pa raw sa 2%. Tumutukoy ang case fatality rate sa porsyento ng populasyon na tinamaan ng isang sakit at namatay mula rito.

"It's really not just the numbers, we have to look at the other variables. We have to focus on the active cases and not the cumulative number of cases... We can see that we have improved at sa tingin natin nakakaagapay tayo rito sa ating response sa COVID-19," paliwanag pa ng DOH official.

Sa huling ulat ng kagawaran nitong Huwebes, umabot na sa 314,079 ang nahahawaan ng kinatatakutang karamdaman sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 5,526 na ang namamatay. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

DEPARTMENT OF HEALTH

JOHN HOPKINS UNIVERSITY

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with