^

Bansa

Shell Philippines legal team ‘the best’ sa Asia, Middle East, North Africa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang patunay sa kanilang dedikasyon sa good corporate governance at masusing legal compliance, kinilala ang Shell Companies in the Philippines (SciP) legal team bilang pinakamahusay na In-House Legal Team of the Year sa ikalimang taunang in-House Community Counsel of the Year Awards.

Ang In-House Community ay isang prestihiyosong consortium ng mga in-house legal teams na kumakatawan sa pinakamalalaking multinational corporations sa buong mundo.

Tinalo ng SciP ang 13 kumpanya sa Asya, Middle East at North America (MENA) regions.

Napagwagian ng SciP ang nabanggit na parangal bunga ng ilang milestone achievements, kabilang na ang proteksiyon sa open at competitive fuel market.

Nagawang ma-streamline ng SciP legal team ang legal know­ledge management para sa mas mabilis, mas epektibo at decision-making na tumatalima sa mga naaangkop na batas.

Sa pamamagitan ng kanilang ginawang one-page guideline na nagsasaad ng makabuluhang mga batas tungkol sa job contracting, pangangasiwa sa mga competitively sensitive na mga impormasyon, at employee discipline at performance management, ang mga top at mid-level managers ay mayroon na ngayong sapat na impormasyon hinggil sa legal na aspeto ng kanilang mga transaksiyon.

vuukle comment

SHELL PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with