^

Bansa

Religious gatherings bawal pa rin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Religious gatherings bawal pa rin
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natalakay na ng IATF ang isyu ng religious mass gatherings kung saan nagkaroon ng desisyon na huwag pa rin itong payagan.
AFP Photo

MANILA, Philippines — Hindi pa rin pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang mass gathe­rings na pang relihiyon kahit maluwag na ang ipinatutupad na quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natalakay na ng IATF ang isyu ng religious mass gatherings kung saan nagkaroon ng desisyon na huwag pa rin itong payagan.

“Naka-agenda po siya kahapon (Lunes) at nagkaroon po ng desis­yon na hindi muna po papayagan ang mass gathering for religious purposes,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na ikokonsidera pa rin ang datos at ang “doubling rate” ng COVID-19 ma­ging ang kahandaan sa critical care.

“I cannot say when mapapayagan po iyan pero titingnan po natin ang datos. Titingnan po natin kung ang case doubling rate, titingnan po natin ang preparedness for critical care. Pero sa ngayon po hindi pa po papayagan ang mass gathering for religious purposes,” ani Roque.

Muli nitong nilinaw na hanggang 10 katao lamang ang pinapayagan sa religious gatherings sa mga lugar na nasa gene­ral community qua­rantine samantalang ta­talakayin pa para sa mga lugar na nasa modified general community qua­rantine.

MASS GATHERINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with