^

Bansa

Pasig Ferry gawing komportable - Go

Pilipino Star Ngayon
Pasig Ferry gawing komportable - Go
Binuhay ang Pasig River Ferry Service noong 2014 para maka­tulong sa mga pasahero dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.
STAR/ File

PASIG, Philippines — Iginiit ni Sen. Bong Go sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gawing kombinyente at komportable para sa mananakay ang bagong bukas na Pasig River Ferry Service.

Hiniling din ng senador sa mga ahensiya na patuloy na gawing malinis at kaaya-aya ang ilog-Pasig upang magarantiya ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero.

Binuhay ang Pasig River Ferry Service noong 2014 para maka­tulong sa mga pasahero dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.

Noong April 2018, inaprubahan ni President Rodrigo Duterte ang panukalang ma-ins­titutionalize ang Pasig River Ferry Convergence Program, kinabibilangan ng planong pagtatayo ng 17 pang istasyon para sa Pasig River ferry system sa susunod na apat na taon, mula sa kasaluku­yang 12 istasyon.

Ang Pasig Ferry service ay pinatatakbo ng MMDA habang ang DPWH ang responsable sa dredging operations ng Pasig River. 

Kaugnay nito, sinabi ni Go na isusulong niya na ma­dagdagan pa ang bilang ng mga pampasaherong bangka sa Pasig.

CHRISTOPHER LEE PATINDOL

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with