^

Bansa

'Liwayway' halos 'di gumagalaw; susunod na bagyo tatawaging 'Marilyn'

James Relativo - Philstar.com
'Liwayway' halos 'di gumagalaw; susunod na bagyo tatawaging 'Marilyn'
"Parang stationary po siya ngayon, ayon sa aming latest analysis," sabi ni Loriedin dela Cruz, isang weather specialist.
Released/Pagasa

MANILA, Philippines — Lalo pang bumagal ang pagkilos ng bagong Liwayway habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa huling ulat ng PAGASA.

"Parang stationary po siya ngayon, ayon sa aming latest analysis," sabi ni Loriedin dela Cruz, isang weather specialist.

Nasa layong 345 kilometro hilagangsilangan ng Basco, Batanes ang nasabing bagyo kaninang alas-diyes, na patungong hilaga hilagangsilangan.

Taglay nito ang lakas na 130 kilometro kada oras na may pabugsu-bugsong hangin na 160 kilometro kada oras.

"Hindi gaanong kalayo sa extreme Northern Luzon 'yung sentro nitong bagyo, pero dahil maliit lang 'yung kanyang diametro, hindi na po... nito nahahagip ang extreme Northern Luzon," dagdag ni Dela Cruz.

Dahil dito, wala nang tropical cyclone wind signal na nakataas sa land mass ng bansa ngayon.

Sa kabila nito, makararanas pa rin ng paminsan-minsang gusty conditions sa mga sumusunod na lugar dahil sa hanging Habagat:

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • Ilocos Region
  • Cordillera Administrative Region
  • Zambales
  • Bataan 

Posibleng lumabas ang bagyong Liwayway ng PAR mula bukas ng hapon hanggang gabi.

LPA, 'Marilyn'

Samantala, binabantayan din ang isang low pressure area sa labas ng PAR.

Nasa 1,050 kilometro ito silangan hilagangsilangan ng Mindanao kaninang alas-diyes.

"Closely monitoring tayo sa weather disturbance na ito, dahil hindi natin niru-rule out ang possibility na ma-develop ito bilang bagyo in the next few days," patuloy ni Dela Cruz.

Posible itong maging tropical depression sa mga darating na panahon.

Tatawagin ding "Marilyn" ang susunod na bagyong papasok sa bansa, bagama't hindi pa tiyak kung ibabansag ito sa nabanggit na LPA sa taas.

LIWAYWAY

MARILYN

PAGASA

SOUTHWEST MONSOON

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with