^

Bansa

2-3 oras na paggamit ng gadget, nakakasira ng utak

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
2-3 oras na paggamit ng gadget, nakakasira ng utak
Sinabi ni Dr. Martha Lu-Bolanos, head ng Headache council ng PNA, ang 2 hanggang 3 oras na paggamit ng gadget ay masama sa kalusugan.
File

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philip­pine Neurological Association (PNA) na hindi lamang migrane ang nakukuhang sakit sa madalas at matagal na oras na paggamit ng gadget kundi nakakasira din ito ng utak dahil sa radiation.  

Sinabi ni Dr. Martha Lu-Bolanos, head ng Headache council ng PNA, ang 2 hanggang 3 oras na paggamit ng gadget ay masama sa kalusugan.

Anya, may 12 milyong Pilipino sa ngayon ang may sakit na migrane kaya dapat pagtuunan ng pansin ang sakit na ito dahil maaari itong mag-trigger sa stroke o seizure.

Bukod sa gadget, sinabi ni Dr Regina Macalintal-Canlas, president ng Philippine Headache Society, na ilan ding ugat ng pagkakaroon ng migrane ng isang tao ang pagkahilig sa matamis na pagkain tulad ng chocolates, cheesy foods, red wine, pagkain ng Chinese soups at mga pagkain na madaming vetsin, namana mula sa magulang, kulang sa tulog, sobra sa tulog, stress, depress, madaming iniinom na gamot at ang blood pressure ay umabot na sa 180/100.

30 percent anya ng mga taong may sakit na migrane ay dulot ng stress.

Ang Migrane ay isa sa top 10 most disabling disorder worldwide na higit na nakakaapekto sa mga young at middle-age women.

 

vuukle comment

GADGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with