‘Onyok’ nakapasok na sa PAR, ‘Nona’ nasa Olongapo pa
MANILA, Philippines – Dalawang bagyo ang nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Miyerkules, ayon sa state weather bureau.
Pumasok na sa PAR ang bagyong “Onyok” na huling namataan sa 860 kilometro silangan ng Mati City, Davao Oriental kaninang alas-4 ng hapon.
Tinatayang tatama sa kalupaan ng Caraga si Onyok sa Biyernes ng umaga habang tinutumbok ang eastern Mindanao.
BASAHIN: Papasok na bagong bagyo, hindi hihilahin si Nona - PAGASA
Samantala, nasa 70 kilometro timog-kanluran ng Olongapo City, Zambales si “Nona” na taglay ang lakas na 100 kph at bugsong aabot sa 130 kph.
Mabagal ang paggalaw ni Nona sa 7 kph kung saan sa Sabado pa ito inaasahang lalabas ng PAR.
Nakataas pa rin naman ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar dahil kay Nona:
Signal no. 2
- Cavite
- Batangas
- Lubang Island
- Bataan
- southern Zambales
Signal no. 1
- Cavite
- Batangas
- Lubang Island
- Bataan
- Southern Zambales
- Metro Manila
- Laguna
- Rizal
- Northern Occidental Mindoro
- Northern Oriental Mindoro
Nilinaw naman ng PAGASA na walang “Fujirawa effect” na mangyayari o hindi hihilahin pabalik ni Onyok ang bagyong Nona.
- Latest