^

Bansa

Palasyo walang info sa ‘asylum’ ni Duterte sa China?

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Palasyo walang info sa �asylum� ni Duterte sa China?
Former President Rodrigo Duterte saluting to overseas Filipino workers in Hong Kong during his visit on Sunday, March 9, 2025.
PDP Laban via Facebook

MANILA, Philippines —  Walang impormasyon ang Malakanyang sa ulat na nag-apply ng asylum si dating pangulong Rodrigo Duterte sa China.

“Wala po kaming gaanong impormasyon na natanggap. Hindi iyon ang mga lumabas na info na dumarating sa Palasyo,” ayon kay Pa­lace Press Officer Atty. Claire Castro.

Ang natanggap lang na impormasyon ng Palasyo ay ang pag-uwi sa Pilipinas ni Duterte mula sa kanyang biyahe sa Hongkong.

Base sa ulat, isang reliable source ang nagsabi na nag-request umano si Duterte sa China subalit tinanggihan umano ito.

Enero pa lang umano ay naghahanda na ang Philippine authorities para arestuhin si Duterte at ipatupad ang ICC arrest warrant sa ilalim ng “Oplan Tugis” ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

Matatandaan na bago naaresto ang dating Pa­ngulo ay nagtungo ito sa Hong Kong kasama ang ilang dating miyembro ng kanyang gabinete at mga supporter at nakipagkita sa mga OFWs.

Hindi naman kinumpirma ng kampo ni Duterte ang isyu ng paghingi ng asylum sa China.

DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->