Marian, inamin na tinuturuang mag-english ni Zia

Trending si Marian Rivera kahapon. Bentang-benta sa netizens ang mga sagot niya sa interview ni Karen Davila para sa celebration ng women’s month.
At kabilang sa sobrang kinatuwaan ng fans ay nang tanungin siya ni Karen kung meron bang insecurity ang isang Marian na dyosa ng showbiz, box-office queen, multimedia queen, etc.?
Sagot ni Marian : “‘Pag sumasali ako ng pageant palagi ako ang pinakamaliit. Saka siguro kasi feeling ko sobrang laki ng balakang ko ‘yung ‘pag naka-dress ako.”
Dagdag niya pa : “Siguro rin ‘yung pagsasalita ng English. Kasi ngayon very big deal sa atin ‘yan ngayon. Kasi sa akin walang problema ‘yan. Kasi sa Cavite hindi naman kame English speaking pero nung nagpunta ako ng Maynila – you have to be fluent in English. Turo ng anak ko ‘yun, si Zia ang nagtuturo saken!” sagot niya.
Kasi raw doon siya comfortable.
“Kasi minsan ‘pag nag-uusap kami ni Dong (Dingdong Dantes) parang sinasabi ko, kaya sobrang love ko itong asawa ko na ito, ‘mahal ka namin bilang ikaw.’ ‘You can improve yourself if you wanna learn how to speak English, ang dami d’yang mga teacher,’ pero parang wala sa loob ko, ok na ako at dito ako comfortable,” pagkukuwento niya pa kay Karen.
Chika pa ni Marian minsan daw ay sinabi sa kanya ni Zia na “Just put my things in the ‘bin.” “Anong bin?! (Oh, it’s a cabin!) Oh my god, Zia!”
At marami raw talaga raw siyang natututunan sa anak na panganay na may British accent pa.
Pero ang isa namang maganda kay Marian ay very proud siya na bata pa lang ay pangarap na niyang maging ina at maging teacher. “Ito talaga ang pangarap ko. Mag-alaga ng anak, magpadede ng anak, magsilbi sa pamilya,” pagtatapat niya na lagi niyang sagot ‘pag tinatanong tungkol sa kanyang pangarap noon.
Sinabi rin niya sa interview na maraming anak talaga ang gusto niya. Kaya naman nag-isip ang fans na baka on the way na ang third baby nila ni Dong.
Submissive rin daw siya at talagang sinisikap niyang pagsilbihan ang mga anak – siya ang nagpapaligo at naghahatid sa mga anak, nagsusundo sa mga anak sa eskwelahan.
Inamin niya rin for the first time na nung nagtrabaho siya sa isang mental facility ay may patient na ‘pag nakikita siya ay natu-turn on ito.
Kaya kinausap niya raw ang doctor at ipinaliwanag sa kanyang lumakas ang pasyente ‘pag nakikita siya kaya ganun.
Ganda rin nu’ng sinabi niyang napatawad na niya lahat ng mga nakaaway niya dahil sa selos sa mister na si Dingdong Dantes.
In fact, naloka pa raw ‘yung isa na siya pa ang lumapit at nag-initiate ng pagbabati.
Pero wala na siyang binanggit na mga pangalan kung sino ang mga ‘yun
- Latest